Friday, October 29, 2010

Star of the Night

Two years ago, Isa ko sa mga naghost nung Company Christmas Party namin. Nde ako makatanggi kasi bago pa lang ako nun. Walang pang karapatan mag-inarte! Hahaha.

Syempre, bilang host kelangan medyo presentable ako. Dapat lang kasi naman maganda co-host ko. Yokong magmukhang tae sa tabi nya. Ito ung larawan naming dalawa. Sya si Rhoda.

Onti lang pa lang kakilala ko nun so syempre sa kanila lang ako sumama pagbreak ko from hosting.

Picture dito. Picture doon. Medyo nag-ennjoy na ako party namin.

Hanggang sa dumating ung isa sa pinakaka-abang na portion nung gabi. Ung announcement ng Star of the Night. May napaghandaan pa nga kaming mga spiels eh. Tipong pambola pa nga - headturner, eye-candy! Kaya kami mismo natatawa na. Tinawag ko ung mag-aanounce ng winner para sa Male Category. Nang biglang tawagin ung pangalan ko! Potek!

Sobrang gulat ko! Mukha akong tanga! Nde ko kasi ineexpect! Tapos ung mga kaibigan ko sa opisina sumisigaw! "Pogi! Pogi!"

Syempre kinapalan ko na ang mukha ko at nagpogi pose! Ahahaha

Masasabi kong isa ito sa memorable na araw. Biruin mo na naman nanalo ako ng nde nag-eexpect at syempre may kasamang pera yan!! Bwahahahaha!!!

No comments: