Saturday, June 4, 2011

Ang Pagbibinata ni Dada

Kahapon, nagising ako ng ala-syete na umaga. Excited dahil sa Sweldokada meetup at first time akong kakain sa Yakimix. Bilang paghahanda, pinamper ko muna sarili ko. I had a manicure. footspa, pedicure and haircut.

Medyo dinalaw ng antok nung tanghali kaya nagnap muna saglit bago pumunta sa Trinoma. Eksaktong alas-dos gumising at naligo na. Mga ala-tres y media ako nakarating sa tagpuan. Duon nakasama ko si Mark at si Ron. Hinintay namin ang iba. Sumunod na dumating si Kux tapos si Patrick.

Mga bandang ala-singko, naisipan na namin pumunta sa Yakimix. Sa kasamaang palad, sobrang daming tao ang nagpareseve. Ending. nasa waiting list kami. We need to wait at least an hour para makapasok. Medyo naasar ng onti kasi nde naman ganito sa MOA. Habang nag-iintay nagkuwkentuhan muna kami. Dumating si Carlos na nagmula pa ng Angeles, Pampanga na pawis na pawis.

Dumating ang ala-sais y media ng tawagin ang si Mr. Kox, turn na daw nila. Putch buti na lang naisip ko na si Kux yun. Hahaha. Sa wakas, nakapasok na kami. Sakto naman na dating ni Lucille na tumakas ng review class nya.

Nagsimula na ang kainan. Ang daming pagkain nde ko tuloy alam kung ano ang uunahin. Hahaha. Habang kumakain, nalaman namin kung gaano ka-gullible talaga si Lucille, kung gaano kababa ang apetite ni Mark, at kakulay ng ihi talaga ang tsaa - di ba Carlos? Sumunod na dumating si Nake na galing rin ng Pampanga. Tuloy ang kainan ang kwentuhan. Nagluto-lutuan gamit ang 10lbs na tong. Nagmock ako sa pagkuha ng hotdog, nalait ang hotdog ni Aljur at muntik nang umiyak si Pat ng naubusan ng tempura. Haha.

After ng masayang kwentuhan, nagdecide kaming pumunta ng Sky Garden para magkape. Kami na lang ni Kux, Pat, Mark at Ron ang nagkape. Nagtext si Carlo at nagyaya na maginuman sa Malate. Kasama nya si Joseph at Greg na fresh from Korea.

Mga ala-onse y media ng umalis kami sa coffee shop. Tumuloy kami ng Malate para i-meet sila Carlo. Pangalawang beses ko palang makarating dun. Mukha lang akong batang nde walang kamuang-muang pero dahil kay Ateng kumanta ng "I Still Belihieve". Pucha laughtrip ito.

Lumipat ng ibang lugar na maiinuman pero umalis si Carlo because he has "other matters" to attend to. Nilakad namin ang buong Malate na naging sanhi bakit ang sakit ng paa ko ngayon.

Naisipan namin na maki-crash kay Jed kaso asa kasama pa nya si Kaloy at nasa moviehouse pa sila. So habang nag-iintay nagSEx muna kami. Saktong dating naman nila Jed. After kumain nagpasya na kaming pumunta sa condo ni Jed. Muli naming nakasama si Carlo na bakas ang ngiti sa kanyang mukha - de joke lang un. Haha.

Pagdating sa unit, ayun naglabas agad ng alak at naginuman na sila. Sa di sinasadyang pangyayari, naka-basag si Carlo na naging sanhi ng pagkakasugat nya. Naayos naman ang lahat dahil malayo sa bituka ung sugat ni Carlo. Naka-witness din ako ng tomboy moments. Hahaha

Mga ala-singko y media nagpasya na kami ni Ron umuwi. Nagbreakfast muna sa KFC saka tuluyan naghiwalay ng landas. Dumating ako ng bahay mga ala-sais kwareta'y singko. Naligo agad para na rin makatulog. Napag-isp ko na kundi pala ako nagnap ay mahigit beinte-kwatro oras akong gising.

Sa lahat ng mga nakasama ko kagabi hanggang kanina, maraming salamat! Sobra kong naenjoy ang Sabado at early Sunday morning ko! Feeling ko, ngayon lang ako nagbibinata. Hahaha Sana maulit pa ito.

Nagmamahal,

Dada

Add to Technorati Favorites

Friday, April 22, 2011

We used to be good friends or ako lang ung nag-akala. Whatever your reasons are for doing that I tried to understand pero nde ko pala kaya. Mababaw pero I felt betrayed. You could have just talked to me. Hindi naman ako mahirap kausap at alam mo yan. Ako na rin ang kusang lumayo. So wag kang magtaka kung nagtampo ako at medyo ilang sa’yo. Napapagod din kasi akong umintindi.

Ngayon okay na tayo ulit pero hindi na katulad ng dati. Andyan na ung pag-iingat. Bawas na ung tiwala. Siguro darating din ung araw na babalik ung dating “closeness” pero sa tingin ko malabo pa itong mangyari ngayon. Pasensya na.

Add to Technorati Favorites

Friday, April 15, 2011

Salamat MTI

Last June 2008, binuksan ko ang isang chapter ng aking career ng mapabilang ako sa MBTC Technology, Inc. Sa totoo lang, sobrang kabado ako nun. Hindi ko kasi alam kung anong naghihintay sa akin sa isang bagong companya. Habang lumilipas ang mga araw, nalaman ko na tama ang desisyon kong lumipat. Ito ung hinahanap ko ng companya.

Naalala ko pa nung naghost ako Christmas Party namin, sinabi kong ito ang dream company ko. Naghiyawan syempre ang mga tao nun pero nde ako nagbibiro nung sinabi ko un. Lahat ng mga hinahanap ko sa isang companya andun na sa MTI. Ito ung ideal company para sa akin.

Pero nung nakaraang mga dalawang linggo nakatanggap kami ng isang hindi magandang balita. Magsasara na daw ang company at ililipat na daw kami sa mother company. Nde ko mapigilang kabahan at malungkot. Nde kasi lahat makukuha. May mga mawawala.

Nde ko rin magawang magsaya nung nalaman kong na-promote ako prior sa pagtransfer ko sa Metro kasi alam kong may ibang nawalan ng work. Bittersweet moment kumbaga ito.

Mula Lunes, April 18, isang ganap na Metrobanker na ako. Iiwanan ko na ang MTI dahil hanggang ngayon araw na lang ang pagiging MTIer ko. Bilang pasasalamat sa MTI nagthrow kami ng munting salo-salo. Closing Party. Pinilit namin magsaya dahil para sa iba, ito na ang huling araw na makikita namin sila.

Para sa mga minamahal kong HR, Ma'am Marijom, Ma'am My, Ms. Cherie, Princess, Che at Rhoda, maraming salamat sa lahat ng mga tulong nyo. Mamimiss ko ang kulitan natin lalo't may division activity tayo. Alam kong may mas magandang opurtunidad na naghihintay sa inyo. Goodluck and God bless. Mamimiss ko talaga kayo ='(

Sa MTI, maraming salamat dahil mas lalong nahasa ang aking abilidad. Salamat sa pagrecognize sa aming mga efforts. At buong loob kong masasabi:

We, the MTIer, truly made IT work!

Paalam!

Add to Technorati Favorites

Tuesday, February 15, 2011

Isa sa mga kinaiinggitan ko ay ung mga taong magaling magluto. Magaling kasing magluto ang nanay at tatay ko. Naging pangarap ko kasi magkaroon ng karenderya (nde restaurant - jologs much) nung bata pa ako pero nde ko natutunan ang pagluluto. Sinubukan ko naman kaso talagang laging palpak ung mga timpla ko.

Sa ngayon, masasabi ko lang magaling akong kumain. Hahaha! Dun na lang ako bumabawi. As much as possible kumakain ako sa labas kada linggo. Gusto-gusto ko ung feeling ng nakakatikim ng mga masasarap na putahe na bihira maluto sa amin.

Balak ko pa rin magkaroon ng karenderya or restaurant pero hahayaan ko na lang siguro sa mga expert ung pagluluto.

Add to Technorati Favorites