Friday, July 23, 2010

Kwentong Fibisco

Simula’t sapul nasa pagtuturo ang aking puso, oo nga’t marunong akong magprogram at nde naman ako ganun kamang-mang sa technolohiya, pero nde pa rin nito mapapantayan ung pakiramdam na naipapamahagi ko sa ibang tao kung ano man ang kaalaman ko.

Dalawang taon pa lang ako dito sa aking pinagtatrabahuhan, kada-dalawang linggo nagpapalit ang mga taong tinuturuan namin. Dahil dito, marami na akong nakilala. May mga batch na medyo boring, may mga batch naman na sobrang okay.

Last day ngayon nung current batch na tinuruan namin, masasabi ko isa sila sa pinaka-masayang turuan - Interactive, attentive at talagang gustong matuto. Kahapon ang huling araw ko sa kanila kaya nagpaalam na ako sa kanila at nagwish ng goodluck. Kanina, bago ako maglunch nagkasabay kami ng trainees sa may lobby. Dahil huling araw na nga sabi nila magpakuha naman kami ng litrato. Syempre, nagpaunlak naman ako. Wala kaming (mga trainers) alam na may supresa pala sila.

Pagkatapos ng pananghalian, kumatok sila sa kwarto namin. Akala ko magtatanong lang sila. Medyo nagulat ako nung bigyan kami ng regalo. Medyo na-touch ako kasi first time ko makuha ng regalo at sinabing na-appreciate daw nila ung training. Dun palang super taba na puso ko. Nde lang nila alam paano nila ako napasaya. Kahit wala ung gift masabihan lang ako ng ganun super tuwa na ako.

image

Sa current batch, maraming salamat. Ako rin ay nag-enjoy na magturo sa inyo. Sana sa susunod na makita ko kayo eh mga officers na kayo ^_^.

So kayo anong kwentong fibisco nyo? =))

Add to Technorati Favorites

1 comment:

Fickle Cattle said...

I've always admired teachers. I thought before that that was my calling too, until I realized I didn't have the patience for it.

http://ficklecattle.blogspot.com/