Kahapon, nagising ako ng ala-syete na umaga. Excited dahil sa Sweldokada meetup at first time akong kakain sa Yakimix. Bilang paghahanda, pinamper ko muna sarili ko. I had a manicure. footspa, pedicure and haircut.
Medyo dinalaw ng antok nung tanghali kaya nagnap muna saglit bago pumunta sa Trinoma. Eksaktong alas-dos gumising at naligo na. Mga ala-tres y media ako nakarating sa tagpuan. Duon nakasama ko si Mark at si Ron. Hinintay namin ang iba. Sumunod na dumating si Kux tapos si Patrick.
Mga bandang ala-singko, naisipan na namin pumunta sa Yakimix. Sa kasamaang palad, sobrang daming tao ang nagpareseve. Ending. nasa waiting list kami. We need to wait at least an hour para makapasok. Medyo naasar ng onti kasi nde naman ganito sa MOA. Habang nag-iintay nagkuwkentuhan muna kami. Dumating si Carlos na nagmula pa ng Angeles, Pampanga na pawis na pawis.
Dumating ang ala-sais y media ng tawagin ang si Mr. Kox, turn na daw nila. Putch buti na lang naisip ko na si Kux yun. Hahaha. Sa wakas, nakapasok na kami. Sakto naman na dating ni Lucille na tumakas ng review class nya.
Nagsimula na ang kainan. Ang daming pagkain nde ko tuloy alam kung ano ang uunahin. Hahaha. Habang kumakain, nalaman namin kung gaano ka-gullible talaga si Lucille, kung gaano kababa ang apetite ni Mark, at kakulay ng ihi talaga ang tsaa - di ba Carlos? Sumunod na dumating si Nake na galing rin ng Pampanga. Tuloy ang kainan ang kwentuhan. Nagluto-lutuan gamit ang 10lbs na tong. Nagmock ako sa pagkuha ng hotdog, nalait ang hotdog ni Aljur at muntik nang umiyak si Pat ng naubusan ng tempura. Haha.
After ng masayang kwentuhan, nagdecide kaming pumunta ng Sky Garden para magkape. Kami na lang ni Kux, Pat, Mark at Ron ang nagkape. Nagtext si Carlo at nagyaya na maginuman sa Malate. Kasama nya si Joseph at Greg na fresh from Korea.
Mga ala-onse y media ng umalis kami sa coffee shop. Tumuloy kami ng Malate para i-meet sila Carlo. Pangalawang beses ko palang makarating dun. Mukha lang akong batang nde walang kamuang-muang pero dahil kay Ateng kumanta ng "I Still Belihieve". Pucha laughtrip ito.
Lumipat ng ibang lugar na maiinuman pero umalis si Carlo because he has "other matters" to attend to. Nilakad namin ang buong Malate na naging sanhi bakit ang sakit ng paa ko ngayon.
Naisipan namin na maki-crash kay Jed kaso asa kasama pa nya si Kaloy at nasa moviehouse pa sila. So habang nag-iintay nagSEx muna kami. Saktong dating naman nila Jed. After kumain nagpasya na kaming pumunta sa condo ni Jed. Muli naming nakasama si Carlo na bakas ang ngiti sa kanyang mukha - de joke lang un. Haha.
Pagdating sa unit, ayun naglabas agad ng alak at naginuman na sila. Sa di sinasadyang pangyayari, naka-basag si Carlo na naging sanhi ng pagkakasugat nya. Naayos naman ang lahat dahil malayo sa bituka ung sugat ni Carlo. Naka-witness din ako ng tomboy moments. Hahaha
Mga ala-singko y media nagpasya na kami ni Ron umuwi. Nagbreakfast muna sa KFC saka tuluyan naghiwalay ng landas. Dumating ako ng bahay mga ala-sais kwareta'y singko. Naligo agad para na rin makatulog. Napag-isp ko na kundi pala ako nagnap ay mahigit beinte-kwatro oras akong gising.
Sa lahat ng mga nakasama ko kagabi hanggang kanina, maraming salamat! Sobra kong naenjoy ang Sabado at early Sunday morning ko! Feeling ko, ngayon lang ako nagbibinata. Hahaha Sana maulit pa ito.
Nagmamahal,
Dada